Salamin

Hindi miminsang nahuhuli kong tumingin ng kakaiba si Tito sa akin. Iba – parang may gustong kunin ang mga mata. Madalas, panay rin ang hawak niya sa aking pisngi, papunta sa leeg, papunta sa aking mga balikat. Ewan ko, pero pansin ko na ito simula pa lamang noong una ko siyang nakilala.

Palagi siyang bumibisita sa bahay kahit walang okasyon, lalo na kapag wala akong kasama. ‘Di ko rin alam kung bakit, basta natutuwa ako sa mga kwento niyang paulit-ulit lang din. Si Daddy, madalas wala sa bahay. Ewan ko ba ro’n kung saan nagpupupunta. Si Oliver, ang bunso kong kapatid, palaging nagkukulong sa kwarto; PSP palagi ang hawak. At nga pala, wala na si Nanay.

Kahit palaging wala si Daddy, ginagawa naman niya ang mga responsibilidad na iniwan ni Mommy noong buhay pa siya: Magluto ng almusal t’wing umaga, maglaba tuwing Huwebes (hindi pwedeng Biyernes dahil TGIF sila ng mga kumpare niya), maglinis ng bahay, at magbigay ng pera. Minsan naisip ko, ganito lang ba talaga kapayak umiikot ang buhay? Kung ganito lang talaga, sana ipinahid na lang ako ng tatay ko sa kumot.

Hindi kasi si Daddy ‘yung tipong, alam niyo ‘yun, ‘yung masasabing ‘Best Dad in the World’ kasi sa totoo lang, hindi ko siya naramdamang ama sa buong buhay ko. Pero hindi ko rin naman sigurado kung ano ba talaga ang dapat maramdaman kapag meron kang ama. Basta ang basehan ko lang, katulad ng mga napapanuod ko sa mga pelikula, madalas mag-kwentuhan ang tatay at anak na babae dahil meron ngang bansag na ‘Daddy’s Girl’ di ba?

Pero ok lang naman kahit ganoon si Daddy. Wala akong nararamdamang galit, sakit, o poot para sa kanya. Sadyang minsan lang talaga, napapaisip ako, lalo na kapag tahimik at wala halos akong makausap.

Si Oliver naman, minsan ko lang makita. Siguro sa isang araw, dalawang beses lang: tuwing almusal at tuwing hapunan. Pero mabait ‘yun, lalo na kapag may kailangan. Noong minsan, binigyan niya ako ng chocolate habang nagmumuni-muni ako sa bintana. Nagulat ako, sobra. ‘Yun pala, magpapaturo daw siya sa Math. Pero may nangilid pa ring luha sa kanang bahagi ng aking mata. Dahil kahit minsan pala, naalala niya ako.

Patuloy pa rin ang pagpunta ni Tito sa bahay bitbit ang mga kwentong ipon-ipon niya sa bulsa. Noong minsan, nagkwento siya,”Sa isang napakalaking palasyo sa malayong lugar, mayroong salamin na palaging tinatakpan ng itim na tela sa loob ng napakaraming taon…”

“Bakit Tito?”

Dahil walang nagtatangkang manalamin doon.”

 

“Bakit po?”

Tumigil si Tito. Namutla siya ng bahagya.

“Eh, sige na. Please?”

“Bukas ikukwento ko sa’yo promise. Matulog ka na.”

 

At hinalikan niya ako ng mariin sa noo. Iyon ang una niyang kwento simula ng namatay ang bunso kong kapatid.

Umuwi si Daddy sa bahay, lasing. Hindi ito bago sa aking paningin kung hindi ang mga mugto niyang mga mata.

Lumakad siyang papalapit sa akin, sumisiring, parang umiilag sa hampas ng hangin. Nagaapoy ang mga mata; kalmado niyang inilisik ang mga ito sa akin. Hindi ako kumibo, ni huminga. At hinawakan niya ang dalawa kong palad. Mariin. Masakit. Nanlamig ang buo kong katawan.

Nakatungo siyang lumuhod sa harap ko. At isinaring ang mga matang puno ng pagsisisi; hindi ako nagsalita. Pero naririnig ko siyang huminga. Mabigat. Mainit sa balat. Ngayon ko lang nakitang tumitig si Daddy ng ganoon sa akin. Sa higit kumulang sampung segundo, naramdaman ko kung paano maging ‘Daddy’s girl.’

Kinagabihan, hindi ako makatulog ng maayos. Nanunumbalik pa rin ang pakiramdam nang hinalikan ako ni Tito sa noo – parang may kakaiba.

 

Nag-mitsa ng ingay ang langitngit ng kahoy sa kabilang kwarto kung saan natutulog noon sila Mommy at Daddy. Dumulas ang puti kong kumot sa aking ulo, sumilip ako sa labas. Lumabas ako ng may bomba sa dibdib upang tignan kung anong mayroon sa loob ng silid na iyon. Dahan-dahan akong pumasok. Pinagmasdan ko ang anino kong lumalakad sa dingding. Bumungad ang parihabang salaming minana pa ng aking Mommy sa aking Lolo noong nabubuhay pa. Hindi lang ako ang repleksyong tumambad nang sinubukan kong buksan ang ilaw.

“Mama? Papa?”

Tumaob ang salamin.

Kinabukasan, hindi na muling bumalik si Tito simula ng nabalitaan niya ang libing ng aking bunsong kapatid.

Simula noon, kami na lang ni Papa ang tao sa bahay. Ang sarap pala ng may tatay.

Habang kumakain kami ng hapunan, naisipan kong itanong kung bakit hindi na pumupunta si Tito sa bahay. Nanginginig na ngiti lang ang isinukli niya sa akin.

“Kate?”

Pinanuod niya akong isubo ang karne sa aking makipot na bibig. Pinanuod ko rin siyang umiling-iling habang humihigop ng sabaw. Tahimik akong lumagok ng tubig.

“Kate?”

“Bakit Papa?”

Napansin kong iniiwas niyang magtagpo ang aming mga mata kahit sa tuwing magpapa-abot ako ng ulam. Hindi niya kayang pahinain ang tunog ng bawat lunok ng kanyang lalamunan at dibdib. Patuloy siya sa pag-iling, na para bang natalo sa sugal ng paulit-ulit.

“Bakit mo nagawa ‘yun?” natigilan siya.

Ibinaling niya ang tingin sa salaming nasa ulunan ko. Anong nakita niya doon? Bakit parang  may tinatago siyang takot? Naalala ko siya sa panaginip ko noong isang gabi, nakahiga siya; may gilit sa leeg. Agos dugo. Dami. Kagaya ng ginawa ko kay Mommy, Tito, at Oliver noon. Hindi ko mapag-isipan ng ganoon dati si Daddy dahil hindi ko pa nararanasang magkaroon ng ama, pero mas gusto ko siyang talupan ng balat ngayon at ibabad sa sabaw na higop-higop niya. Mas masarap pa rin palang mag-isa.

“Kate, bakit?” malambing ngunit may pait.

Tumawa ako ng malakas. “Bakit hindi?”

Out of Drops

credits to berlin-artparasites

credits to berlin-artparasites

It was always

When I opened

The knob

With my blue-inked hands,

The heat and filth pierced deeply

On my palms, ‘till it whacks my veins

Through my

Finger bones

It was always,

The grains of

Flowing drops

Out of strain,

First touched

My pink-spotted face

Like how it burned

By the expired facial toner

That I stole from my mom’s

Make-up kit when I was ten years old;

Or how I put the jelly thing

On my cheeks ‘till it burned like

A pale sunset.

It was the heat

That clothed the tiny parts

Of my pores

Like how I bathed from his ragged hands

And from his soundless kisses

Or how I sang the ode of bliss

When he kissed and painted

Violet rainbows on my hips

But now,

All the heat

And fluids

Don’t come easy.

As I stand here stiff,

Facing the hot water drops

And strawberry flavored froth,

It chilled every bits of him

On my body.

Memoirs of Eden

The smell of that cheddar cheese aroma

Reminds me the picture of you

Riding on the train, muffled by your favorite bubbled coat.

It was then, raining outside

Dots of water drops messed the oriels

Burned the buildings and bridges from inside.

Like the plots of serialized novels,

I asked you to be my girl.

You twisted your neck, slowly

Like you’re trying to weigh if it is a yes or a no

Hehe. So as to say: Yes.

On summer, for we drifted apart, t’was the coldest.

You came to your Mama’s house;

I stayed somewhere to earn sufficiency.

We meet again, on the train, like it was the first time –

And the last time too.

You’re skin, as always, smelled like melted cheese

Burning with memoirs and oil

And you’re bones, fingered my face for the longest time.

For the last time.

I travelled alone; like forever

It rained, like the first time I saw you eyes

Marvelled with the mole I have at the right side

Of my lips; like the moment I kissed your cheek

And pretend you never saw it coming; it was all written

At the pacific moist of the wind panes we rode. We were

The ones who scribbled our fictional story.

 

6

But now, I can only see the happy scenes outside the train

It all burnt in front of me. I tasted something from my eyes,

like cheese.

For you, of course

3/12/11

 

This is not a hate poem

But this is about you

I don’t hate you for calling me

On my skinniest childhood name

Where I remembered how I was teased

As Bren-damaged while reciting a poem

On our english class

This is not a poem about blaming

But this is about you

I don’t blame you for tripping me with your foot

While I was rushing to a vacant seat on a cafeteria

And how you laughed so hard

That I could see the pair of your tonsils

Haha. Fuck you.

I don’t hate you.

I shouldn’t hate you.

Hate is for divine people

And no you weren’t

You’re an arsehole

You’re my teacher.

Now I wish I could be a teacher

So I can do all the things you taught me to do:

To hurt and to break.

Watch me rise

See me with your eyes

You crumpled skinned-popcorn nose-bitch teacher

You small feet-vagina lipped-whore teacher

Fuck you

This is not a hate poem

But this is about you, teacher.

I don’t hate you.

I do love you for all eternities

That I could slap you while you were eating

Your favorite full-cheesed spaghetti.

wrote this when i was third year high school student and this never failed me to laugh everytime i read it

credits tumblr

credits tumblr

Ningas

4

Nawa’y sa huling

paghinga ng napu-

pundingkulay

at usok, ang

huli mong

ngiting inihabilin

Sa                                hangin

ang siyang sundo

ng takot

na maghahatid sa

aking katuturan.

Pathetic

2I am not the one to hold hands. No. Not really. Not that I’m too clean to be touched. No. But baby, when you told me you are afraid to die, I almost knotted my knuckles into your fingers until my muscles and bones moulded into a singular grip of structure on my hands.

I am not the one to text first. No. Not really. Not because I was pinched by my pride. No. But honey, when you told me you are sick and you have nothing to eat, I would run to your door and bring you your favorite sinigang and never leave on your door.

 

I am not the one to hint a kiss. No. Not really. Not that I’m too sick of your lips. No.

But lately, when you told me you screw up at your work and wanted to die, I almost grasp your paled lips until it no longer make a sound.

But

You’re the one who untangled your hands.

You’re the one who never left a message.

You’re the one who never attempted to kiss.

I have lose you.

If only I could be enough.

I’m sorry.

Orenas

“Sigurado ka ba diyan?”

“Oo naman.”

“Baka may makakita sa atin.”

“Wala ‘yan. Tara na!”

Isang mababang poste ng ilaw, mga damo, at mga bato ang mga naging saksi sa pag-uusap na ito nila Rex at Alex. Madilim. Maliit na hiwa lamang ng liwanag galing sa poste ang naging giya nila sa paglalakad. Maraming bag ang dala ng dalawa na pinabigat pang lalo ng kanilang dumadagundong na dibdib at pagnanasa. Malapit na sila.

“Rex…”

“Ano? Ang tagal nating pinlano ‘to. Anniversary na natin, diyos ko. Third anniversary.”

“Pero Rex… natatakot ako…”

“Saan tayo matutulog? Sa kalye? Alex naman, huwag ngayon. Sa ibang araw ka na mag-inarte.”

Kaunting saglit pa ay natunton nila ang tinutungo. Sa wakas, nakarating na sila.

Nagsimulang manginig ang mga kamay at mukha ni Alex nang iabot ng isang babae ang towel, toothpaste, toothbrush at shampoo.

“Tara na.”

Binuksan ni Rex ang pinto gamit ang kulay apdong card. Damang-dama agad ang hagod ng aircon na mabilis nanuot sa kanilang mga kasuotan. Lalong nanginig si Alex. Alam niyang hindi lang pagtulog ang gagawin nila sa loob ng silid na iyon. Alam niya ang pakay ng kasintahan. Alam na alam niya.

“Gusto mo bang maligo muna?” tanong ng binata habang kinakapa ang hook ng kanyang belt.

“Sige, ikaw na muna.” Tila taimtim niyang tinititigan ang kanyang mga sapatos sa pagkakayuko.

Nilapitan ni Rex ang kanina pang namumutlang kasintahan. Inamoy niya ang buhok, ang likod, at ang batok, sa saliw ng dila at ga-tuldok na mga halik. Nanginig si Alex. Tila isang mabilis na bulalakaw niyang natuklasan ang kanyang kahinaan. Napahigop siya ng malamig na hangin gamit ang parehong bibig at ilong na siyang sinundan rin ng mainit na buntong hininga. Mahinang tumawa si Rex at sinabing “Ang sarap mo…”

Napaupo silang dalawa sa kama. Hinalikan ni Rex ang kasintahan ngunit tila madamot ang mga labi ni Alex para magpa-angkin. Kinatok niya ito ng dila. Kaagad namang binuksan ni Alex ang lagusan ng kanyang bibig. Iyon lang pala ang password.

Mabilis lumakbay ang mga kamay ni Rex sa likod ng dalaga. Pumainlalim sa damit. Tinantya ang hook ng bra at masigasig nitong napiglas ang nagkukulong sa dalawang Banahaw ng dalaga.

Hindi na nagsayang pa ng oras ang binata. Pikit mata niyang ibinaba ang zipper ni Alex at tinanggal sa butas ang namimitlagang butones. Inumpisahan niya ang paghila paibaba sa kanang tela ng pantalon. Hanggang sa tuluyan na niyang maaninag ang mga binti ng dalaga. Marahan niyang isinunod ang nakakulubot na garter ng dalaga.

“Ano ba, sabi ko naman sa’yo hindi all the way eh.”

Walang narinig si Rex maliban sa demonyong nagdidikta sa kanyang katuturan – parang panata. Tuluyan nang ibinaba ni Rex ang natitirang saplot ng dalaga sa ibaba. Mabilis. Parang snatcher sa Quiapo. Sa sobrang bilis, hindi na namalayan ng dalaga na nakadagan na sa kanya ang binata.

“Putangina Rex. Putangina. ‘Pag ako nabuntis talaga, putangina.”

Lalong ginanahan si Rex. Pakiramdam niya, bida siya sa isang sadistikang pelikula. Umasinta siya nang marahan. Masikip pa si Alex.

“Ahhhhhhh. Putangina.”

Mabilis nakaraos ang binata. Napadapa siya sa pagal na katawan ni Alex. Para siyang hinugutan ng hininga. Sa ilang segundong pagpapahindag sa sarap, may tumawag. Napalundag ang binata sa pagkakahandusay nito kay Alex. Maingat na sinagot ito ni Rex.

“Hello…ma? Okay lang po kami ni Alex… opo… Kasama ko po si bunso, nag-aawting po kami… Opo… Pauwi na po kami bukas…”

I’m not going to be the girl you marry.

I’m not going to be the girl you marry.
I’ll be the memory you have when you propose to her. As you slide that ring on her finger you’ll think about that time we got dressed in our swankiest threads and had a horrible time at that party so we came back home and sat in an empty bath tub drinking whiskey outta the bottle talking about our childhood dreams.

I’m not going to be the girl you marry. I’ll be that memory whenever you and her get in an argument. You’ll recall our first fight and the endless glares and icy tones. Repetition of words like RESPECT and WHY rung through the stillness of the air. We almost ended that night. Thankfully you stopped me from walking out of that door.

I’m not going to be the girl you marry. I’ll be that memory when you have your first child. When you and your wife are picking out names you’ll remember our talk about our future. Our apartment layout and first pet. A dog named Pascal because I’m allergic to cats.

I’m not going to be the girl you marry. I’ll be the girl you fall for when you are too young to understand what falling really is. You’ll fuck up and lose me. You won’t realize it until a while later. But when you do, you’ll think about me every day1.

artwork by Fabrizio di Palma

Jejejeje

Nakaka-turn off talaga ‘yung kapag katext mo Jeje. Don’t get me wrong. Hindi ako matapobre. Pero iritang-irita talaga ako. ‘Yung ako pa ang maga-adjust para maintindihan ang bagay na mababaw rin naman.

Hindi ako elitista. Well, sa behavior, hindi. Pero sa taste, gusto ko rin naman ng quality.

Feeling ko kasi, kapag you messed with your language, you messed with your life. Language is the basic unit of communication, tapos ifi-fail mo pa? D!b4aAhH?

Siguro nga, in a fashion sense, baka ito ay istilo lang sanhi ng progresibo ng lengguwahe. Progresibo ba ang pagiging Jeje?

Kunsabagay, hindi naman natin madidiktahan ang mga Jeje na huwag maging Jeje. Pero puwedeng gawan ng paraan. Thru words din. Tulad nito. Jina-judge ko sila. Baka kapag nabasa nila ito, ma-realize nilang ang baduy nga nila. Or puwede ring murahin nila ako with their language. With accent.

Makatulog na lang.

Gasgas mula sa aking bisekleta

Natagpuan ko ang sarili kong nagbibisekleta sa malawak na kalsada sa aming bayan. Natutumba ako, at babangon rin. Naluluha tuloy ako sa sakit.

Simula ng mag-bakasyon, panay suntok at apir ang inabot ko sa kapatid kong si Chito. Biro nga sa amin ni nanay, ganito daw pala kami maglambingan. Pipikunin ko siya, mapipikon siya, at ayun, maglalaro na kami ng wrestling. Hindi ko madalas makita si Chito, kay lola kasi siya nakatira. Ako naman, kay nanay. Hiwalay na kasi ang nanay at tatay namin, kaya hiwalay din kami ng tirahan. Tuwing bakasyon na nga lang kami nagkikita eh. Madalas ko tuloy mamiss itong si Chito.

Nagsisimula kaming mag-bisekleta sa parke tuwing alasais ng umaga. Ito ang nagsisilbing ehersisyo naming tuwing umaga. Racing kami mula sa bahay hanggang parke. At dahil sa mas malaki kesa sa kanya ang biwas ko, ako ang laging panalo. At ang matalo, manlilibre ng pandesal at milo. Yan ang usapan.

Araw-araw kaming nagka-karera sa kalsada. Naghahabulan na parang pusa at daga sa daan. Tawanan, kulitan, asaran. Yan  ang samahan namin ni Chito. Kahit na hindi na kami madalas magkita, sinisigurado naming sulit ang mga pagkakataong magkasama kami.. Naglilinis kami ng bahay tuwing umaga. Siya ang taga-walis at ako naman ang taga-mop. Tapos magpapatug-tog kami ng malakas sa bahay, at hahawakang parang gitara ang walis at mop na gamit namin Tinutulungan niya rin akong magluto ng tanghalian, siya ang pinaga-gayat ko ng mga gulay at karne. Nadala na kasi akong mag-pasaing sa kanya eh, lagi kasing sunog. Kapag magmemeryenda, sabay kaming pupunta sa ihawan at bibili ng isaw at dugo. Bibili pa kami sa tindahan ng Tang Orange. Tapos manunuod kami ng pelikula sa gabi habang nag-ngangata ng kut-kutin. At dahil nakakatakot ang madalas naming panuorin, magka-akap kaming natutulog habang nakatalukbong ng kumot. Sabay ngaw-ngaw ng “awooooo” at tatawa.

Sumapit ang kaarawan ni Chito. Mabuti na lang at natama tuwing bakasyon ang birthday  niya, kaya lagi akong present sa handaan. Ibinili ko siya ng second hand na bisekleta sa dati kong kaklase. Natuwa naman siya dahil mukhang bagong-bago pa ang binili kong mountain bike, kumikislap pa ang manubela. Yun nga lang, hindi ko na magagawang samahan siyang mag-bisekleta dahil pasukan na naman. Kailangan ko na namang lumisan at lumayo ng panandalian.

Sa tuwing lalabas ako sa pintuan ng aming bahay para umalis, namamataan ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Pero kapag tinititigan ko siya, dumi-dila lang siya at tatawa na parang nakakaloko. Akala niya hindi ko pansin ang kalungkutan niya.

“Ate, pag-uwi mo, bike ulit tayo ha,” sabay suntok ng sunod-sunod sa aking braso.

“Oo naman, dapat manalo ka na,” sinundan ko ng mabigat na tawa.

Ilang linggo pa lang bago ako umalis sa bahay ay nakatanggap ako ng tawag galing sa kanya. Naggamit na kaya niya yung binili kong bisekleta?

Chito calling..

“Hello? ”

“Apo.. Wala na si Chito.. Nabangga siya ng bus sa kalsada kanina habang nag-bibisekleta.. Hindi na kinaya sa ospital.. Si lola ito..”

“….”

Hindi ako makaimik. Naputol ng ilang Segundo ang dila ko. Pinipigilan ang malalakas na sigaw at iyak na nakakulong sa aking dibdib. Pilit inihihinto ang dumudulas na mga luha sa nagiinit kong mga mata. Nagiintayan kami ni lola kung sino ang unang iiyak, pero ako rin ang nauna.

Umuwi ako agad at ipinapa-walang bahala ang mga klase pagkatapos ng maiksing usapan namin ni lola. Gamit ang bisekletang may pahid ng dugo, natagpuan ko ang sarili kong nagbibisekleta sa malawak na kalsada sa aming bayan. Natutumba ako, at babangon rin. Naluluha tuloy ako sa sakit. Ang sakit ng iniwan mong gasgas sa akin Chito. Ang sakit, sobra.