BISEKLETA

Noong bata pa ako, naiinggit ako sa mga kalaro kong marunong magbisekleta. Panay ang karera sa kalsada, wari mo’y mga ibong kakaalpas pa lamang sa hawla, nagliliparan sa lansangan. Naisip kong magpabili kay tatay ng bisekleta para makasabay ako sa mga kalaro ko. Nagpaturo ako kay tatay, sabi ko gusto kong matuto. Tumango lang siya, at binanggit niyang sisimulan na namin ang pageensayo bukas.

Agad akong nagtatalon sa tuwa! Sa wakas, magkakaroon na rin ako ng sariling bisekleta!

Kasisikat pa lamang ni haring araw, higit-higit ko na ang braso ni tatay papunta sa garahe kung saan naroroon ang nakaparadang bisekleta. Inuulit ulit ng aking mga bibig ang pagsambit ng “Tara na tatay! Turuan mo na ako..”

Hindi kataasan ang bago kong bike. Hindi rin naman mababa, sakto lang sa aking puwetan. Hawak ang aking mga kamay habang nagbibisekleta, nasa likod ko si tatay, laging nakasuporta. Tinuraan ako ni tatay ng mga pangkaraniwang style sa pagmamanubela. Pero gusto ko, nasa likod ko lang siya, naka-angkas at naka-alalay sa akin.

Hanggang sa natuto na akong tuluyan sa pagpapadyak ng bisekleta.

Sabi ni tatay, “Anak, kaya mo ng mag-isa”,

Nagsalubong ang dalawa kong kilay, at nag-ngit ngit sa galit. Kaya itong si Tatay, nilambing ako at pinangakuang ibibili ako ng plastic balloon.

Lumipas ang mga linggo, araw-araw kami ni tatay sa parke. Nagagawa ko na ang mga tricks ng mga kalaro ko Masaya ako kasi magaling na akong mag-bisikleta. Pero hindi pa rin nawawala sa pagkaka-alalay ni tatay sa likod ko. Hawak pa rin niya ang kamay kong nagkokontrol sa manubela.

 

“Anak, magaling ka na! pwede ka nang magbisekleta kahit wala ako..”

“Ayoko ‘tay! Gusto ko nasa likod lang kita..”

Tumango lang si tatay at napailing.

Linggo ng umaga, inagapan naming lalo ni tatay sa parke. Sabi niya kasi, hindi kami pwedeng magpahapon dahil sisimba kami. Tinanong niya uli ako,

“Anak, kaya mo na bang mag-bisekletang magisa?”

Agad kong isinagot ang kunot kong kilay at matang naguunahang magpatulo ng luha.Ngumiti si tatay, at sinabing “Kalimutan mo na yun anak, tara na!”

At nagliwanag muli ang aking mukha.

Masaya kami ni tatay na nagbibisikleta sa parke. Sinubukan kong lumampas sa kwadrado ng parke ng maiba naman ang tanawin sa aking panigin. Sinubukan kong tumawid sa kalsada.

Lalong natuwa si tatay sapagkat ang galing ko na raw. Nasundan pa ng maraming eksibisyon. Hanggang sa di ko namalayan, nakasalubong ko ang isang humaharurot na dyip sag awing kanan. Hindi ko alam kung anong preno ang
kakapitan ko, nawala bigla sa isip ko ang mga turo ni tatay. hanggang sa ipinihit ko ang preno sa kanang kamay ko at tumilapon kami ni tatay sa puno.

Nawalan ako ng malay; nakita ko ang mga gasgas sa aking binti, gayun na din sa aking kamay. Masakit ang sariwa kong mga sugat noon. Natuklap sa pagkakabunggo sa mabatong lapag. Lumingon-lingon ako sa paligid. Kinapa-kapa ko ang hangin. Naisip ko agad si tatay,

“Asan ka, ‘tay?” Paglingon ko sa aking likuran, natagpuan ko si tatay. Tumambad ang umaagos nitong dugo sa kanyang ulo.. Nangilid ang luha sa aking mga mata.“W-Wala na si tatay..” Hindi na nagpaawat ang aking mga luhang walang laban. masakit ang sugat ko, subalit mas masakit ang dinanas ko kasama ang aking ama.

Ngayon ‘tay, pwede ka ng bumitaw.

2 comments

  1. Will of Heart · February 4, 2013

    sad but well written, damang dama ang emotion sa bawat linya….

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s