Kung Bakit Kailangang Sumubok

 

At ito na nga. Wala na akong choice kundi sumulat. Subok lang, baka sakaling may mautong magbasa. Subok lang, nagpapanggap bihasa sa pamamagitan ng pagtitipa ng keyboard. Subok lang, baka nga ito’y huli na.

Late akong dumating sa klase. Natural, nagtanong ang titser. “Nasaan ang assignment mo Ms. Lopez?,” sabi. Ay anak ng periodic table naman o’oh! Nakalimutan ko kakamadali sa bahay. Letse! “Nakalimutan ko ho mam,” Menopausal pa mandin ata ‘to si mam. Pero sabi ng kaklase ko, nadadaan naman si Mam sa pakiusapan. Ano ba, susubukan ko bang makiusap na mamaya na lang ako magsusulit? Ayaw. Nakakahiya. Baka wisikan lang niya ako ng laway habang pinapagalitan. Kaya ayun, bawas ng points sa class card.

Pumunta ako sa bilihan ng mumurahing sapatos. Wala na kasi akong matinong sapatos bukod sa limang taon and still counting ko na rubber shoes. Sumubok at sumukat ako ng isa, dalawa, tatlo, hanggang sa umabot ng sampung sapatos na naka-display sa tindahan. At oo, sa wakas, may napili na ako. Kulay itim na sapatos na may red at gray na sintas. “Miss, anong biggest size niyo nito?” Agad kong tanong. 9 ang sabi ni ate, sakto.

Sa paglilinga-linga ko, may nakita akong mas babagay sa paa ko. Kaso kasalukuyang kumukuha na si ate ng stock ng nauna kong napili. Nakakahiya naman kung papabalikin ko pa siya. Baka mapagod siya. Pero hindi.. mas maganda talaga ‘tong pangalawa kong napili! Subukan ko kayang sabihin? ‘Wag na, ayus na ‘yung nauna. Kunukuha na e. baka ibato niya sa akin ‘yun ‘pag nagkataon.

May nanligaw sa akin, ayos pumorma, matalino, mabait. Gusto niya ako, gusto ko siya. Kumbaga eh wala nang patumpik tumpik pa. Pero hindi ko sinubukang palalimin pang lalo ang aming pagsasama. Iniisip ko kasi, baka masaktan lang ako. Baka kagaya siya ng mga lalakeng dinadaing ng mga babae sa station ni Papa Jack. Baka magmukang tanga, baka mapahamak. Kaya ‘yun. Walang kwenta ang love life ko.

Isang araw may nakita akong nakapaskil sa may gilid ng eskelahan. “Looking for talented dancers! Audition now!” Marunong ako sumayaw pero asusual, hindi ako sumubok. Konti lang naman pipiliin nila. Susubok pa ba ako?

Pauwi na ako sa bahay. Bitbit ang nangangatog kong mga paa. may narinig akong sigaw. Malakas. Parang nanay na nanganganak. Tinalasan ko ang pandinig, sa may bandang kanan ko. oo tama, sa may kanan. May vetsin na naiwan sa may kalye. Nahulog siguro sa bayong.

 May nakita akong tatlong kalalakihan na nakaitim. Ang dalawa’y nakahubad. Oh Diyos ko! Pinagsasamantalahan nila ang isang batang babae! Susubukan ko sanang puntahan, kaso naduwag ako, baka isunod nila ako sa kanilang pulutan. Kaya tama ka, tumakbo na lang ako.

Pagdating ko sa bahay, balisa sila mommy. Bakit?  Dahil gabi na ako umuwi? Nagpaalam naman po ako ah. Pero kung minsa’y makakalimutin na talaga to si Mommy.

“Ma, ano pong problema?” tanong ko.

At parang may tumarak na itak sa dibdib ko ng malaman ko ang dahilan.

 “Nawawala ang kapatid mong si Abby, inutusan ko lang ‘yun bumili ng vetsin eh,”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s